Monday, July 11, 2011

Dakilang Ina

          Ang pamilya hindi makukumpleto kung walang matatawag na dakilang ina.Parang ang nanay.
Araw-araw na nagsisikap para sa amin.Para sa akin,sa aking mga kapatid at para sa tatay.
Si tatay na simula ng magkasakit ay pinalitan na ni nanay sa paghahanap-buhay.Lahat ginagawa ni nanay kahit na hindi mabuti ang kanyang pakiramdam,Hindi yun nagiging dahilan sa kanya para tumigil  sa pagtatrabaho.
Mahirap lang ang buhay namin,Pero pag si nanay ang titignan mu parang ang dali-dali lang ng lahat.Lahat kasi nakakaya nya.Halos araw-araw maaga siyang bumabangon sa umaga para lang mapaghandaan kmi ng pagkain at maihatid sa paaralan.Wala pang pahinga ay tumutuloy na siya sa trabaho...ang pag lalabandera.
Mahirap na trabaho ngunit napakarangal.Napaka dakila.Masakit na likod ,magaspang na kamay at kulo-kulobot.Lhat ng iya'y nasa nanay ko.Nasa nanay kong matatawag kong napakadakila.Hindi iniisip ang sarili,Napakadakila dahil walang hinihinging kapalit.Laging nariyan pag kami'y nangangailangan ng kalinga,ng tulong at pag kami'y nasa kabiguan.Hinding hindi mapapantayan ng sino man o ng ano mang bagay ang pagmamahal ng aking nanay.Wala kaming ginto at yaman,pero para sa amin siya ang natatanging kayamanan ng amin pamilya.Napakapalad ko dahil siya ang aking naging ina.Hindi ko man masuklian ng mga materyal na bagay ang kabutihan nya at kadakilaan,bubusugin ko na lang siya ng pagmamahal at katapatan.Gagabayan ko siya sa kanyang pagtandaa.Ako naman ang mag aaruga sa kanya at mag paparamdam na isang dakilang anak.Ibabalik ko ang mga kadakilaang bagay na ibinigay nya sa akin.Ipaparamdam ko na kahit sa mga  huling sandali nya kung gaano ako kapalad at kagalak na siya ang aking ina.
Inang napakadakila.

                                                                                                                               


                                                                                                                                 BY:Elena A. Arcon
                                                                                                                                           HR301E